CHECK THIS OUT:

Search

Paulo Avelino, nakipag-inuman at kwentuhan sa kaniyang fans via Zoom

Usap-usapan ngayon ang aktor na si Paulo Avelino matapos makipag-inuman at makipagkwentuhan sa kaniyang fans sa pamamagitan ng virtual conference call noong Lunes ng gabi (August 9).


Halos hindi magkaugaga ang kaniyang fans nang magpost ang aktor ng "LF: [looking for] ka-inuman" sa kaniyang Twitter account.


Marami ang gustong-gustong makipag-bonding sa idol nilang si Paolo ngunit ang hanap ng aktor,  21 years old pataas lamang.


Maya-maya pa ay nagsulputan na sa Twitter ang ilang mga short clip at screenshot mula sa "e-numan" session ni Paulo via Zoom.


Marami ang kinilig at marami rin ang nanghinayang dahil napalampas nila ang oportunidad na makausap at maka-kwentuhan ang kanilang idol.


Dating bumida sa Paulo sa pelikulang "Fan Girl" na bumenta sa masa noon. Ngayon pagbibidahan naman niya ang isang serye kasama si Janine Gutierrez na pinamagatang "Marry Me, Marry You."




No comments:

Post a Comment