CHECK THIS OUT:

Search

Kilalanin ang gwapong kapatid ni Coco Martin na isa na ring ganap na artista

 

Palagi nating pinaguusapan ang mga anak ng ating mga iniidolo na mga artista ngunit ni minsan ay hindi pa natin nasilip ang mga kapatid ng ating mga iniidolo na nagtatrabaho din sa pagaartista.


Madalas napapansin ang mga nagaartista na talagang mapapansin ang kanilang kagwapuhan at kagandahan ng mga kanilang kapatid.


Kaya masasabi natin na sila ay maaari din pumasok sa showbiz katulad nalang ng kanilang mga kapatid na sikat na.


Katulad na lamang ang sikat na aktor at hinahangaan ng sambayanang Pilipino sa kasalukuyang henerasyon na si Coco Martin kung hindi dahil sa social media ay hindj rin natin makikilala ang kapatid niya.


Kilalang kilala si Coco Marin sa palabas na "Ang Probinsyano" ito na ang pinaka matagal na running series sa Pilipinas at nagpapasaya parin sa bawat mamayanang Pilipino sa sumusubaybay.


Kinilala din si Coco Martin bilang isang "Prince of Indie Films" dahil dito nagsimula ang career no Coco bago pa siya makilala.


Dahil sa pagmamahal sa pamilya tinupad ang pangarap ng kaniyang kapatid na makapasok sa indutria ng showbiz. Ang nakababatang kapatid ni Coco Martin ay si Ronwaldo Martin at siya ay 20 taon gulang. Nais din ng kapatid ni Coco na maging katulad ng kanyang kuya at bumuo ng pangalan sa pagaartista.


Ang sinabi naman sa kanya ng kanyang nakakatandang kapatid ay tularan siya na magsimula muna sa pagbida sa mga Indie Film upang mahasa ang kanyang kakayahan sa pag-arte.


Maliban dito ay isa din itong daan upang maging handa sa mga pagsubok kung sakali siya ay pumasok na sa napakalaking mundo ng showbusiness. Kasalukuyang nakakabuo na din ng pangalan si Ronwaldo at nanalo na ng iba’t-ibang awards. Nabigyan na din siya ng role sa mismong palabas ng kanyang kuya sa “Ang Probinsyano”.

No comments:

Post a Comment