CHECK THIS OUT:

Search

Babae sa Cebu, namatay dahil sa 'chikinini' sa leeg

Isang ginang mula sa Sitio Sentro, Barangay Buanoy, Balamban, Cebu ang binaril ng kaniyang ka-live-in partner sa loob mismo ng kanilang tahanan noong Linggo (August 1) dakong alas-9 ng umaga.


Ayon sa ulat ng Yahoo!news,  kinilala ang biktima bilang si Florie Mae Cañete, 45, habang ang suspek naman ay natukoy bilang si Dether Callora Lerado na 45-anyos din.


Saad ni Cpl. Ruskim Salado ng Balamban Police Station, inamin mismo ni Lerado na binaril niya ang kaniyang partner gamit ang isang .357 revolver.


Salaysay ng suspek, nagawa niya ang krimen dahil sa matinding galit nang makita niya ang leeg ni Cañete na mayroong chikinini.


Bago ang insidente, pumunta sa Cebu City noong July 8 ang biktima  para i-follow up ang kaniyang job application sa abroad. Pag-uwi niya noong July 29, nagsimula na silang magtalo ni Lerado dahil sa naturang chikinini.


Nang dumating ang pulisya sa bahay na pinangyarihan ng krimen, nakita umano nila  Salado na may tama ng baril sa ulo si Cañete at sa bibig naman si Lerado.


Ayon sa kapatid ng biktima, binaril ng suspek ang kaniyang sarili matapos ihabilin sa kaniya na alagaan ang dalawang anak ni Cañete.


Idineklarang dead on arrival si Cañete habang may malay pa si Lerado nang maidala sa ospital.


Nakatakda siyang sampahan ng reklamong parricide kung sakaling siya ay gumaling at mabuhay.


No comments:

Post a Comment