CHECK THIS OUT:

Search

Outfit ni Jinkee Pacquiao sa laban ni Pacman, nagkakahalaga ng P2.26 million



Sa halip na si Manny "Pacman" Pacquiao ang bida sa kaniyang naging laban noong Sabado (August 21), mas naging tuon ang mata ng publiko sa kaniyang misis na si Jinkee dahil sa kaniyang bonggang outfit.


Base sa mga video at larawan, fresh at bagets ang datingan ni Jinkee sa kaniyang all pink na OOTD na pinarisan niya pa ng kaniyang mga makinang na alahas.


Ang mga isinuot ng 42-year-old celebrity mom sa boxing match ng kaniyang asawa ay halatang pinaghandaan at hindi pipityugin dahil ayon sa mga report, nagkakahalaga ang mga ito ng P2.26 million.


Ang dress pa lamang na suot ni Jinkee ay nagkakahalaga na ng P43,264.65. Ang kaniya naman vintage shiny pink alligator Mini Lady Dior bag na mayroon gold hardware ay nabibili sa presyong P558,062.


Bigatin din ang halaga ng mga alahas ng maybahay ng pambansang kamao pero ang pinakamahal sa lahat ay ang kaniyang Tiffany and Co. braceletHardWear Link Bracelet in 18k rose gold na P876,242.50 ang halaga.


Narito ang ilan pa sa mga isinuot ni Jinkee sa laban ni Pacman:


 Boucheron 18k rose gold diamond Serpent Boheme earrings with rhodolite garnet = P227,945.94


Tiffany and Co. Jewel Box necklace in yellow gold with an emerald-cut pink Tourmaline = P275,401.50


Tiffany and Co. Ball Bypass Bracelet in 18k yellow gold bracelet = P95,134.90


Van Cleef and Arpels's Perlée "Pearls of Gold" ring = P71,516.47


Samantala ang suot naman na Amina Muaddi Begum Glass Pump Heels ay regalo lamang sa kaniya ng kaniyang personal shopper at celebrity lifestyle consultant na si Aimee Hashim ng LoveLuxe.


Source: Pep.ph


No comments:

Post a Comment