CHECK THIS OUT:

Search

Lalaki, patay sa bugbog matapos mahuli umanong nakikipagtalik sa 'di niya asawa


Napatay sa bugbog ang isang lalaki sa Mangatarem, Pangasinan matapos umano itong mahuling nakikipagtalik sa isang ginang na hindi naman niya asawa.


Ayon sa ulat ng GMA Regional TV "Balitang Amianan" noong Agosto 25, ang mga nambugbog umano sa 40-anyos na lalaki ay ang asawa at mga anak ng ginang na kaniyang nakasiping.


Base sa salaysay ng amang suspek, matagal na nilang nababalitaan na kalaguyo ng kaniyang misis ang biktima ngunit ipinagsasawalang bahala niya ito dahil sa wala siyang sapat na ebidensya.


Hanggang sa masaksihan niya  ang pagtatalik ng biktima at ng kaniyang misis sa sala mismo ng kanilang tahanan.


Nagdilim umano ang kaniyang paningin kung kaya binugbog niya ang biktima. Sa sobrang galit, nakisali na rin sa pananakit ang kaniyang dalawang anak na lalaki na ngayon ay mga suspek din.


Ayon sa pulisya, itinali ang biktima at nagtamo ng matinding pinsala sa ulo na dahilan upang siya ay bawian ng buhay.


Hiling ngayon ng ama ng biktima ay hustisya para sa pagkamatay ng  kaniyang anak. Samantala, nakakulong na ngayon ang mga suspek habang hindi naman matunton ang kinaroroonan ng ginang.


Source: GMA News


No comments:

Post a Comment