CHECK THIS OUT:

Search

Lalaki, ninakaw ang ipinagkatiwalang P3.5-M ari-arian ng kaibigang OFW para sa sabong



Walang humpay sa paghingi ng pasensya ang isang lalaki sa kaniyang kaibigang OFW na ninakawan niya para lang may maipanlaro sa kinalulungan niyang online sabong.


Ayon sa ulat ng "24 Oras" ng GMA News, kinilala ang suspek bilang si Josel Sunpongco na nahuli sa isinagawang entrapment operation ng National Bureau of Investigation Anti-fraud Division.


Sa salaysay ng NBI, ipinagkatiwala ng OFW ang kaniyang mga negosyo at ari-arian na nagkakahalaga ng P3.5 million pati na ang pagbili sa mga bagong ari-arian na inirerekomenda sa kaniya ni Sunpongco.


Nag-umpisa na lamang magduda ang biktima nang walang maibigay na titulo ang suspek sa mga bago nitong biling property.


Ginagaya ni Sunpongco ang pirma ng kaniyang kaibigan para maibenta ang mga ipinagkatiwala sa kaniyang mga ari-arian. Ang mga nalilikom naman niyang pera, aniya, ay ipinantataya niya sa online sabong o talpak.


Dahil dito sinampahan na ng falsification of public document, estafa, at paglabag sa Cybercrime Prevention Act ang suspek.




No comments:

Post a Comment