CHECK THIS OUT:

Search

Delivery rider, binawian ng buhay habang naghahanap-buhay sa kalsada


Hindi na naisalba pa ang buhay ng isang delivery rider na naaktuhang natumba sa kaniyang motorsiklo at nawalan ng malay habang siya ay kasalukuyang naghahanap-buhay.


Sa isang CCTV footage, makikitang unang itinabi ng rider ang kaniyang motorsiklo sa kalsada upang mamahinga. Ngunit maya-maya pa, tila ba nahirapan itong huminga hanggang sa tuluyan na itong bumagsak at mawalan ng malay.


Mabilis namang narespondehan ng pulisya at ambulansya matapos silang hingian ng saklolo ng isang napadaang rider na lumapit sa walang malay na rider.


Gayunpaman, hindi na ito umabot pa ng buhay sa pagamutan dahil idineklara na siyang "dead on arrival."


Hinala ng marami sa mga nakasaksi, marahil ay pumanaw ang rider dahil sa labis na init at gutom. Samantala, hanggang ngayon ay inaalam pa ang kaniyang pagkakakilanlan.


No comments:

Post a Comment