CHECK THIS OUT:

Search

Ina, pinaghahanap matapos layasan ang limang anak para sa lalaki

Hinahanap ngayon sa pamamagitan ng social media ang isang ginang na nang-iwan sa kaniyang limang anak para sa lalaki.


Sa Facebook post ng FB user na si Lensy Joy Monares, ibinahagi niya ang larawan ng naturang ina at ng mga bata at saka nananawagan sa  sinumang makakakita rito na ipagbigay alam ang kinaroroonan ng ginang.


"Kung cnu mn daw po nkkita s babaeng yan pki update lng po tg kryapy sjdmbul.po yung babae po ay lumayas at 5 ank n iniwan.kawawa nmn po," sabi ni Monares sa kaniyang FB post noong Hulyo 26.


"Me aswa p po yung bbae at yung aswa po nyan pinsan ng kworkfrend ko.pkilng po pkishare dw po..pra daw mkasuhan at mkulong s pg ppbaya," dagdag nito.


Sa comment section, naibahagi rin ni Monares sa isang FB user na iniwan daw ng ginang ang kaniyang mga anak dahil sa panay ang iyak ng mga ito.

Screenshot mula sa FB post ni Monares

Dagdag pa ni Monares, may mga ebidensiya sila na magpapatunay na mayroon itong mga kinakasamang lalaki.

Screenshot mula sa FB post ni Monares

Tingnan ang kabuuang post ni Monares dito:





No comments:

Post a Comment