CHECK THIS OUT:

Search

Anak na babae, pinagsusuntok at sinabutan ang sariling ina

Gigil ngayon ang netizens sa isang babae na nakuhanan ng video habang sinasaktan ang kaniyang ina na tila ba hindi niya ka dugo.


Nag-viral ang video matapos itong i-upload ng Facebook user na si Ma Shiela Degamo Palma.


Makikita rito na tila ba may hindi napagkasunduan ang mag-ina ngunit hindi malinaw kung ano nga ba ang kanilang pinagtatalunan.


Unang sinuntok sa braso ng anak ang kaniyang ina. Hindi pa ito nakuntento at sunod niya itong itinulak at saka sinabutan.


Dahil dito, inulan ng batikos ang babae mula sa mga netizen. Marami ang nalungkot at nagalit dahil sa hindi kaaya-ayang trato nito sa kaniyang sariling ina.


"Hayop sa pinakahayop, diman lang inisip kung anong hirap nanay nila mula ng pinaglihi cya," comment ng isang Facebook user.


"bwisit kang anak ka,,,,sana sa paglaki ng mga anak mo ganyan din ang gawin sayo pagtanda mo ung mas malala pa ang danasin mo araw mo ngayon pero lilipas ang panahon danasin mo ang hirap na d ka irerespeto ng mga anak mo😤😤💪💪gigil mo ako ehhh sarap mong sabunutan ung tanggal pati anit mo malapit ka lang sa akin di lang yan abot mo wala kang respeto," sabi naman ng isa.


Narito ang kabuuang video.




No comments:

Post a Comment