CHECK THIS OUT:

Search

Halos P50,000 na perang inanay ng lolong taga-deliver ng yelo, pinalitan na ng BSP

Hindi na masasayang ang inanay na halos P50,000 na ipon ng isang matandang si Lolo Adonis dahil tinanggap at pinalitan na ito ng Bangko Sentral ng Pilipinas.


Dati ng itinampok sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang nakakapanghinayang na kwento ni Lolo Adonis na taga-deliver ng yelo sa kaniyang mga suki sa palengke.


Naipon ang halos P50,000 sa pamamagitan lamang ng pagtatabi ng P100 sa bawat sa P300 na kinikita niya kada araw.


Iyon nga lang, isang araw nakita niya nalang ang kaniyang mga pera na nagkapunit-punit dahil sa pinapak na ito ng mga anay.


Buti na lamang, sa tulong ng KMJS ay nailapit ang sitwasyon ni Lolo Adonis sa BSP. Dahil sa halos kalahati pa naman ng mga perang papel ang natitira, maaari pa raw nila itong mapalitan.


At ngayon, isang buwan lamang matapos mai-surrender ni Lolo Adonis ang kaniyang mga ipon sa bangko, buo at kumpleto na ulit ang kaniyang pera dahil napalitan na ito ng BSP.


Source: GMA News


No comments:

Post a Comment