CHECK THIS OUT:

Search

6-anyos na bata, naging buto't balat dahil sa mga bulate sa tiyan

Isang anim na taong gulang na batang babae mula sa Bantayan Island, Cebu ang halos kasing timbang na lamang ngayon ng isang sanggol dahil sa impeksyon na nauwi sa malnutrisyon.


Ayon sa kwento ng inang si Jerlyn sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho," dati namang malusog ang kaniyang anak na si Ranelyn ngunit isang araw, bigla na lamang itong nangayayat hanggang sa tuluyan ng bumagsak ang kaniyang timbang.


Mula sa bibiluging pangangatawan, buto't balat na lamang ngayon ang paslit. Hindi na rin ito makagalaw ng labis gaya ng dati noong siya ay malusog pa.


Sa tulong ng KMJS ay dinala si Ranelyn sa isang ospital sa Lapu-Lapu City na anim na oras ang layo mula sa kanilang tahanan.


Nang masuri ng doktor, napag-alaman na mayroong mga bulate sa tiyan n ng bata na kahati niya sa nutrisyong natatanggap ng kaniyang katawan.


"Meron siyang intestinal parasitism. Base sa history, 'yung dahilan po na sobrang pagkapayat niya ay dahil sa infection. Meron siyang mga bulate.  Iyon 'yung dahilan kaya siya may chronic malnutrition. Severely stunted tsaka severely wasted po," ayon sa nakapanayam na pediatrician.


Dagdag pa nito, mahaba-habang proseso pa bago bumalik si Ranelyn sa kaniyang normal na pangangatawan. Dahil dito kakailanganin ng bata at ng kaniyang pamilya ng dagdag na tulong pinansiyal para sa mga gagastusin nila sa ospital.


Para sa mga nais tumulong, alamin ang ibang detalye rito: GMA News

No comments:

Post a Comment