CHECK THIS OUT:

Search

Gretchen Barretto, Atong Ang, nakitang naglalaro ng sabong


Ayon sa viral video na ipinost sa Facebook page ng Kawa Gamefowl, makikitang si Gretchen pa mismo ang nagpakawala at humahawak ng manok na si "Lady Tiger" sa kaniyang laban.


Nangyari ito sa ginanap na Matira Matibay 12-Stag Derby (4 Stag Prelims) ng GAPP-Cavite noong Hulyo.


Kasama sa miyembro si Gretchen ng Team Alpha ng Pitmaster group, na kung saan kasama rin si Atong, Mapapansin rin ang plugging ng kumpetisyon sa Instagram ni Gretchen na ibinahagi niya.


Noong nakaraang taon, lumikha ng kontrobersiya ang pagbisita ni Gretchen kasama ang negosyanteng si Atong sa Janiuay, Iloilo.


Nagkaroon kasi sila ng pagpupulong ang pagdating ng dalawa sa isang pagsasama ng mga mananabong para sa online cockfighting na binabalak nilang simulan.


Hindi nasunod ang health quarantine protocols sa social distancing matapos magsama sama ang mga tao sa isang resort sa nasabing bayan upang makita si Gretchen.


Nagkaroon din daw ng mga dayalogo ang Gamefowl Affiliates of Pitmasters-Philippines (GAPP) para sa online sabong sa resort na pinagdadausan ng pagpupulong. Hindi naglabas ng hinanaing noon si Gretchen at si Atong.

No comments:

Post a Comment