CHECK THIS OUT:

Search

Vlog ni AJ Raval na naglilinis ng kwarto, umabot na ng 7.5 million views

"Nag-linis lang ng kuwarto nagkaroon ng million views."


Ito ang "sana all" ngayon ng marami lalo na ng mga maliliit na vlogger sa bansa matapos ilabas ng aktres na si Aj Raval ang kaniyang vlog na kung saan makikita siyang naglilinis ng kaniyang kwarto sa kanilang bahay sa Pampanga.


Ini-upload ni Raval ang naturang video sa Youtube dalawang buwan na ang nakararaan.


Sa vlog ng 20-anyos na aktres, sexy na sexy ang kaniyang dating suot ang isang maiksing short at spaghetti blouse na natural lamang umano niyang pambahay.


Dahil dito, hindi maiwasan ng ilang viewers na ikumpara ang kaniyang video sa "A day in my life" vlog ni Ivana Alawi na agad ding humakot ng milyon-milyong views makalipas lamang ang isang araw.


Sa kasalukuyan, umabot na sa 7.5 million views ang nasabing vlog ni Raval at libo-libong komento sa Youtube.


Si Raval ay anak ng beteranong aktor na si Jerich Raval. Minsan na itong napabilang sa ilang mga programa at pelikula gaya ng "Ang Probinsyano," "Indak," at "Sons of Nanay Sabel."


Maaring panoorin ang vlog ni Raval dito.

No comments:

Post a Comment