Sino ang hindi manghihinayang, kung ang perang inipon mula sa pagod at hirap na dinanas mo sa trabaho ay bigla nalang magkapunit-punit nang hindi mo namamalayan.
Sa kwentong tampok ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" nitong Linggo (Hulyo 25), isang 70-anyos na lolo ang labis na nalulungkot dahil sa mga inanay niyang ipon na nagkakahalaga pa naman ng halos P50,000.
Si Lolo Adonis ay 30 taon ng nagtatrabaho bilang taga-deliver ng yelo sa mga suki niyang tindero at tindera ng isda sa palengke.
Sa bawat araw na kumikita siya rito ng P300, agad niyang itinatabi ang P100 sa kaniyang isang plastic na garapon pandagdag sa kaniyang ipon.
Ayon kay Lolo Adonis, sadya talaga siyang masinop sa pera dahil na rin sa hirap na kaniyang dinanas sa buhay. Bunga nito, nakuha niyang makabili ng bahay at motorsiklo sa maikling panahon lamang ng kaniyang pag-iipon.
Iyon nga lang, itong kaniyang huling mga ipon, sa halip na mapakinabangan ay pinapak pa ng mga anay sa kanilang tahanan. Tuloy, ang matanda labis na nanghihinayang lalo pa at pinaghirapan niya ang mga ito.
Sa tulong KMJS, ay inilapit ang sitwasyon ni Lolo Adonis sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Base sa pagsusuri, ang mga perang inanay, ay pwedeng-pwede pang mapalitan ng bangko.
Agad namang pumunta si Lolo Adonis sa pinakamalapit na bangko. Tinanggap ang mga inanay niyang pera at tatawagan nalang umano siya sa oras na maaari niya na itong makuha.
Alamin ang buong kwento rito:
No comments:
Post a Comment