CHECK THIS OUT:

Search

Timmy Tan, anak ni Lucio Tan, pinababaril ang kasambahay nang dahil sa hotdog

Viral ngayon ang bilyonaryong si Timmy Tan, anak ni Lucio Tan, dahil sa pagbabanta nito sa buhay ng isa sa kaniyang mga kasambahay nang dahil lamang umano sa pagkain.


Napag-alaman ang alegasyon matapos isumbong ng kasambahay na si Rocelle Siay ang kaniyang amo na si Timmy sa programang "Raffy Tulfo in Action."


Ayon kay Siay, nagalit sa kaniya si Timmy matapos magluto ng hotdog para sa girlfriend nito  na nanatili noon sa kaniyang mansyon.


Ang gusto sanang ipahapag ni Timmy ay ang mga tirang pagkaing inihain noong bumisita ang mga kaibigan ng kaniyang girlfriend.


Iyon nga lang, dahil alam ni Siay na hindi kumakain ng karne ang girlfriend nito, nagluto na lamang siya ng hotdog at scrambled egg na siya namang inihapag ng ibang kasambahay sa nobya ni Timmy na nasa ikalawang palapag.


“Gusto niya yung mga simpleng pagkain lang daw. Ayaw niya ng meat kaya yun ang naisip ko: Scrambled egg tsaka hotdog,” sabi ni Siay.



Gayunpaman, nang malaman ng kaniyang amo, tinawagan siya nito at saka pinagmumura. Humingi naman ng paumanhin si Siay ngunit sa halip na patawarin ay ipinababaril pa siya nito at saka pinapalayas sa kaniyang tahanan.


“Kunin mo gamit niya!” malinaw na sabi ni Timmy sa video na patagong ini-record ni Siay.


“India, barilin mo ito! Kunin mo gamit niya! Ngayon na!” dagdag pa nito.


Sabi ni Siay, hindi ito ang unang beses na nanigaw ang kaniyang amo ng kasambahay kaya naisipan niyang i-video ang pangyayari.


“‘Yung mga unang kasambahay ganoon na ginagawa niya, nambabato siya, kaya po sa ano ko po nag-video ako patago.” 


1 comment:

  1. kc palibasa mga billioner sila kya na nila lahat gawin dapat sa mga yan ay naku bakat kng ano pa madabi ko.

    ReplyDelete