CHECK THIS OUT:

Search

11-anyos na bata nangangailangan ng tulong pampagamot sa kaniyang lumobong paa

Idinaan na sa social media ang paghingi ng tulong ng isang netizen para sa 11-anyos na kapatid ng kaniyang kaibigan na nangangailangan ngayon ng tulong pinansiyal pampatingin sa doktor.


Sa mga larawang ibinihagi ni Jamaica Oyco sa Facebook noong Linggo (Hulyo 11), kitang-kita ang paglobo ng isang binti ng isang batang babae.


Bagama't hindi nabanggit sa post ni Oyco akung tukoy ba ang kondisyon ng bata, malinaw ang intensyon nitong makahingi ng tulong mula sa mga tao upang maipagamot ang kapatid ng kaniyang kaibigan.


Nakikiusap pa nga ito na ipakalat ang larawan ng bata nang sa gayon ay maraming tao ang makapansin at marami rin ang magpaabot ng tulong.


"Hello guys. pwede ko bang mapakiusap sa inyo na tulungan ako ikalat tong picture nato para sa batang ito na nanghihingi ng tulong. siya po ay kapatid ng aking kaibigan," sabi ni Oyco.


"Pwede po bang pakishare po ito. need pong mapagamot yung bata. 11 y.o palang siya. di nya deserve yung ganyang sitwasyon. nais po namen humingi ng tulong upang mapagamot po siya at malaman kung bakit naging ganyan yung binti nya," dagdag niya.


Sa kasalukuyan, umani na ng mahigit 20,000 shares ang post ni Oyco. Hanggang ngayon ay umaasa silang makatanggap ng tulong ang bata upang muli itong makapamuhay ng normal.


Sa mga nais tumulong, basahin ang kabuuang post ni Oyco rito: 




No comments:

Post a Comment