CHECK THIS OUT:

Search

Sikat na artista noon, nawala sa katinuan at palaboy-laboy nalang ngayon

Mabilis na kumakalat ngayon sa social media ang mga larawan ng isang palaboy na matanda  dahil 'di umano, isa itong sikat na artista noong dekada 80.


Ayon sa ulat, ang nasabing matanda ay si Remedios Estrada o mas kilala bilang Brandy Ayala, miyembro ng sikat na "Liquor Beauties" o grupo ng mga sexy star noong  1980's.


Pagbabahagi ng kaniyang pamangkin na si Ralph Estrada sa PEP.ph, nawala sa katinuan si Brandy dulot ng paggamit niya ng ipinagbabawal na gamot noong siya ay artista pa.


Lalong lumala ang kalagayan ng sexy star nang magkaroon pa siya ng schizophrenia  noong 1997.


May pamilya namang nag-aalaga kay Brandy, iyon nga lang, noong Agosto 2020 ay napabalitang nawawala ito sa kasagsagan ng enhanced community quarantine sa Metro Manila.


Kwento ng mga nakakakilala kay Brandy, madalas daw nilang namamataang namamalimos at pakalat-kalat ang dating aktres  sa Tayuman at sa SM City area sa San Lazaro, Manila.


May ilan din na nagsasabi na siya ay palaboy-laboy ngayon sa Mandaluyong City.


Mabuti na lamang at may naghatid sa dating sexy star sa isang mental hospital sa Mandaluyong kung saan ilang buwan siyang namalagi.


Matapos noon ay kinuha siya ng DSWD hanggang sa mapag-alaman ng ahensiya ang kaniyang address dahilan upang makauwi si Brandy sa kanilang tahanan sa Tondo.


No comments:

Post a Comment