CHECK THIS OUT:

Search

Groom, 'di napigilang tumawa nang lumobo ang sipon ni bride sa kalagitnaan ng kasal


Marami ngayon ang napapahalakhak sa ibinahaging kwento ng isang Mister sa social media tungkol sa nakakahiyang pangyayari para sa kaniyang asawa noong mismong araw ng kanilang kasal.


Ayon kay John Alvin Torrente, bigla nalang daw kasi lumobo ang sipon ng kaniyang bride matapos nitong banggitin ang kaniyang wedding vow.


Dahil dito, hindi na raw nakapakinig si Torrente sa sermon ng pari at tumawa na lamang hanggang sa matapos ang kanilang espesyal na araw.


"Alam nyo bang pag tapos ni ijo bitawan ung wedding vow nya lumobo ung sipon nya at mula nun di na ko nakinig kay father tumawa nlng ako ng tumawa hanggang matapos yung kasal. Hahaha sabi nya wag ko na ipagsabi pero 2 years naman na kaya baka pde na ikwento," sabi ni Torrente sa kaniyang Facebook post.


Bagama't taong 2020 pa nang ibahagi ni Torrente ang nakatutuwang kwento nila ng kaniyang asawa sa kanilang kasal, hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong nagbibigay good vibes sa mga netizen.


Sa kasalukuyan, mayroon na ngang mahigit 136,000 reactions, 790 comments, at 66,000 shares ang naturang post ni Torrente sa Facebook.



No comments:

Post a Comment