CHECK THIS OUT:

Search

Grade 10 student, nakapagpatayo ng sariling business gamit ang naipong allowance


Maagang kumakayod ang teenager at 15-years old na studyante na si Antonio "Don don" Colcol III sa pagseserve ng lugaw sa mga customers, ngunit hindi bilang isang waiter kundi ang may ari ng gotohan.

Matatagpuan ang gotohan sa Calepaan, Asingan, Pangasinan at pinangalan niya itong Dondon's Goto Ang Essential Na Goto. Ginamit sa pagpapatayo nito ay ang naipong mga allowance mula sa kanyang mga magulang.

"Naisip ko pong mag-business kasi wala din po akong ginagawa para meron naman po akong maitulong sa pamilya ko hindi lang po ako yung humihingi ng pera," ayon kay Don Don. 

PIO Asingan


Ang menu sa gotohan ay sariling timpla ni dondon na binabalik balikan ng kanyang mga parokyano. Ang best seller niya ang lugaw bone marrow.

Ang kanyang nakaktandang kapatid ang nagsisilbing guardian dahil hiwalay na ang kanyang mga magulang.



"Sila po yung inspiration ko, ayaw ko pong iparamdam sa magiging pamilya ko in the future yung naranasan ko sa family ko ngayon kaya po ako nagbubusiness ng ganito," kwento ni Dondon sa PIO Asingan.

"Naisip ko po ang gusto ko kasing mangyari sa buhay ko at the age of 25 to 30 po stable na po ang kita ko, gusto ko po kasi in the future meron po akong oras para sa family ko, may oras po ako sa mga gusto kong gawin kaya sina-sacrifice ko po yung oras ko ngayon para po sa future ko," dagdag ni Don Don. 

Isinasabay ni dondon ang pagnenegosyo at ang kanyang pagaaral at sana daw ay mainsipire ang kagaya niyang kabataan na magpursige



No comments:

Post a Comment