CHECK THIS OUT:

Search

Sanggol na nakakaupo at nakakapagsalita umano, napag-alamang may sakit

 

Himala at swerteng itinuturing ang isang sanggol mula sa Barangay Marugong, Lanao del Sur dahil sa kakaiba nitong itsura at di uumano'y abilidad na hindi pangkaraniwang nakikita sa isang bagong silang na bata.


Sa panayam ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," sinabi ng mga magulang na sina Abdul at Norayza  na kaya raw umupo ng kanilang anak na si Tingting Bulawan nang mag-isa at kaya rin daw nitong makapagsalita.


Dahil kumalat sa kanilang lugar ang kakaiba umanong abilidad ni Tingting, dinadayo siya ng mga tao sa kanilang tahanan. Marami ang nagpupunas ng panyo sa sanggol at naghihingi ng kaniyang ilang mga damit dahil pinaniniwalaan na siya ay swerte.


Si Tingting ay siyam na araw palang. Kumpara sa ibang sanggol, kakaiba ang kaniyang itsura. Halos kasinglaki lamang ng mansanas ang kaniyang mukha at baluktut din ang kaniyang mga paa. Ang laki nito ay umaabot lamang ng 8 pulgada o halos singlaki ng isang litrong bote.


Mula ng ipinagbubuntis hanggang sa isilang ang bata, ni minsan ay hindi nakapagpatingin sa doktor si Norayza dahil  pagsisibak lamang ng kahoy ang trabaho ng kaniyang asawa.


Dahil dito, minabuti ng KMJS na  ipa-konsulta sa doktor si Tingting. Dito na napag-alaman na may primordial dwarfism ang sanggol. Kailangan din ng karagdagan pang pagsusuri upang matukoy kung may iba pang karamdaman ang paslit.


Ang primordial dwarfism ay isang uri ng karamdaman na kung saan nade-delay o bumabagal ang paglaki ng bata sa unang yugto pa lamang ng kaniyang buhay o habang nasa sinapupunan pa lamang ito.


Humihingi ngayon ng tulong sina Abdul at Norayza upang personal nilang maipatingin sa doktor si Tingting. Nagbigay naman ng ilang damit, vitamins, at iba pang pangangailangan ang grupo ng KMJS.


Bagama't may sakit ang sanggol, hindi pa rin nawawala ang pagiging swerte at espesyal nito lalo pa at wala namang batang malas sa mata ng kaniyang mga magulang.


No comments:

Post a Comment