CHECK THIS OUT:

Search

Sanggol, isinilid lang sa bag na parang gamit at isinabit sa gate sa South Cotabato

Isang sanggol ang nakitang nasa loob ng isang bag na iniwang nakasabit sa gate ng isang bahay sa Purok Aquino, Barangay San Miguel, Norala, South Cotabato. 


Madaling araw nang marinig ng tauhan ng kaniyang tiyuhin ang pag-iyak ng isang sanggol, ayon sa uploader na si Mary Kris Aquino-Dela Cruz.


Dali-dali niyang pinuntahan kung saan nanggaling ang pag-iyak malapit sa bahay ng kaniyang tiyuhin at dito nakita ang isang asul na bahna nakasabit sa gate. Pagbukas ng bag ay dito na nila nakita ang sanggol na lalaki.


Dali daling ipinaalam ni Mary Kris sa mga opisyal ng kanilang barangay ang nakitang sanggol at dinala ito sa ospital. 


Nasa kostudiya na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 12 ang sanggol. (Larawan mula kay Mary Kris Aquino-Dela Cruz)

 

No comments:

Post a Comment