CHECK THIS OUT:

Search

18-anyos na lalaki, nag-FB live habang sinusunog ang sariling bahay

Isang 18-anyos na lalaki ang nag-livestream sa social media upang ipakita ang pagsunog sa kanilang sariling bahay sa Taytay, Palawan.


Sa FB live ng lalaki, makikita kung paano nito niliyaban ang mga karton at damit sa isang papag upang sunugin ang kanilang buong bahay na gawa lamang sa kahoy at iba pang light materials at pag-aari talaga ng kaniyang ina..


Base sa imbestigasyon ng awtoridad, laasing ang lalaki sa video. Nagawa niyang sunugin ang kanilang tahanan matapos umano siyang iwan ng kaniyang live-in partner dala ang kaniyang 3 taong gulang na anak.


Ayon sa BFP Taytay, walang makalapit sa lalaki dahil nagbanta siya na papatayin niya ang pipigil sa kaniya.


Napag-alaman din na mayroon iba pang problema ang lalaki sa kaniyang pamilya. 


Napagdesisyunan naman ng kaniyang ina na huwag ng magsampa ng kaso at nangakong babantayan nalang maigi ang kaniyang anak.


Source: GMA News


No comments:

Post a Comment