CHECK THIS OUT:

Search

OFW, nakaipon ng halos P1-M matapos tigilan ang paninigarilyo at pag-oonline games

Pinatunayan ng isang overseas Filipino worker na hindi pa huli ang lahat upang magbago at talikuran ang bisyo matapos niyang makaipon ng halos isang milyong piso sa pagtigil lamang sa paninigarilyo at paglalaro ng online games.


Sa Facebook page ng Peso Sense ibinahagi ang kwento ng OFW na si Neil Ryan Lorenzo na 21  taong nalulong sa kaniyang bisyo.


Hindi itinatanggi ni Lorenzo na malaki ang halaga ng pera na nagagastos niya para sa kaniyang paninigarilyo at pag-oonline games. Kaya naman nang makakita siya ng "ipon challenge" sa isang Facebook post ginawa niya itong motibasyon upang mahinto ang kaniyang bisyo.


Ipinangako niya sa kaniyang sarili na iipunin niya na lamang ang kaniyang pera na dapat sana ay ilalaan niya sa kaniyang kinalululungan.


"Nakita ko 'to sa peso sense page nagkaroon ako ng idea sa sarili ko na mag-ipon. Inalis ko lahat ng bisyo ko, yosi at paggastos sa mga online games dahil sobrang laki ng nagagastos ko sa yosi at online games, nag-diet rin ako," kwento ni Lorenzo.


Sa loob lamang ng tatlo at kalahating taon, nagbunga ang sakripisyo ni Lorenzo dahil nakaipon siya ng mahigit 75,400 riyal o halos isang milyong piso. Bukod pa rito, naging mas malusog din siya at matagumpay na nakapagbawas ng timbang.


Dahil sa labis na tuwa, namahagi si Lorenzo sa mga tao ng kaunting halaga mula sa kaniyang naipon. Balak niya ring mamigay kahit papaano sa kaniyang mga kapamilya, mga pulubi, at iba pa kapag nakauwi na siya sa Pilipinas.


No comments:

Post a Comment