CHECK THIS OUT:

Search

Pulis, binawalan ang isang empleyado na magbisikleta papasok ng trabaho

Umaani ngayon ng samu't saring komento mula sa publiko ang isang pulis na sumita sa isang empleyado at nagsabing bawal umanong gumamit ng bisikleta papasok ng trabaho.


Ang ginawang paninita ng pulis ay kitang-kita sa isang video na ibinahagi ni Johnmichael Bustamante sa kaniyang Facebook account


Ang napagsabihang lalaki ay kinilala bilang si Male Aik Amoroto mula sa Purok 2 Tablon, Cagayan de Oro City.


Si Amoroto ay isang security guard base sa nakatala sa kaniyang mga dokumento gaya ng lisensiya at certificate of employment.


Ayon sa pulis sa naturang video, bawal daw umano ang paggamit ng bisikleta kahit pa ito ay sasakyan papasok sa trabaho.


Hinaing tuloy ng karamihan, bakit ipinagbabawal ang bisikleta gayong mas ligtas ito sa halip na sumakay sa mga jeep o bus na may lamang napakaraming pasahero na posibleng may dalang virus.


Umamin naman ang Cagayan de Oro Police Office na mali ang nagingg pahayag ng kaniyang personnel kung kaya humihingi sila ng paumanhin kay Amoroto at sa publiko.



2 comments:

  1. eh kng yan lng kya na behil sasakyan para lng makapasok ng trabaho ay iba na talaga sa pilipinas.kng bawal ang besikleta gametin sa pagpasok sa trabaho bigyan nyo ng mercedes benz para walang sita.

    ReplyDelete
  2. Kya nga�� nasa batas na pla ngaun na bawal gumamit ng bisiklita pag papasok ng trabahu�� kadami² ngang nglalakad lng, ng jeep na mas crowded kay sa bisiklita.. ku nmn wag nyu sabihin na mandatory na ngaun na dapat nkasasakyan ang mga government employees�� totyal

    ReplyDelete