CHECK THIS OUT:

Search

Pakistani, hinahanap ang Pinay girlfriend na nangakong magpapakasal sa kaniya

Isang foreign national mula sa bansang Pakistan ang humingi ng tulong sa broadcast journalist na si Raffy Tulfo para hanapin ang kaniyang Pilipinang girlfriend na nangakong magpapakasal sa kaniya.


Ayon sa Pakistani na si Shah Faisal mula sa Karachi, Pakistan, limang taon na sila ng kaniyang nobyang si Cresty Flotildes. 


Nakilala niya umano ito sa isang kaibigan na taga Pilipinas. Tatlong buwan niyang niligawan si Flotildes hanggang sa tanggapin rin siya nito bilang isang kasintahan.


Lahat umano ng tungkol kay Flotildes ay minahal ni Faisal maging ang limang anak nito sa kaniyang naunang asawa. 


Hindi naman daw humihingi ng pera ang kaniyang nobya sa kaniya mula noong nagkakilala sila kung kaya mas napamahal ang Pakistani.


Kwento ni Faisal, bigla na lamang siyang iniwan ni Flotildes dahil umano sa kaniyang ugali. Ang hindi matanggap ngayon ni Faisal ay kung bakit agad siya nitong iniwan at hindi man lang nilinaw kung ano ang ugali niya na ikinagagalit nito.


Sa sobrang paghihinagpis ay naiyak pa ang Pakistani sa kalagitnaan ng pag-uusap nila ni Tulfo. 


Sa huli, pinangakuan siya ni Tulfo at ng kaniyang team na susubukan nilang tawagan si Flotildes nang sa gayon ay mapagbiyan si Faisal sa kagustuhan niyang kausapin ito.

Panoorin ang kabuuang kwento rito: Raffy Tulfo in Action

No comments:

Post a Comment