CHECK THIS OUT:

Search

Magsasakang nag-aararo ng walang kalabaw sa loob ng 20 years, tutulungan ni Raffy Tulfo

Matapos ang dalawang dekada ng mano-manong pag-aararo sa bukid, sa wakas ay magkakaroon na ng kalabaw ang isang magsasaka mula sa Barangay Danus Leyte, Leyte sa tulong ng broadcast journalist na si Raffy Tulfo.


Ayon kay Tatay Ismael Malabat,  20 taon  na niyang pinatyatyagaang hilain ang  kanilang pang-araro kasama ang kaniyang anak dahil sa wala silang pag-aaring kalabaw. 


Ang kalabaw daw kasi ay nagkakahalaga ng P8,000 o di kaya naman ay P35,000, halaga na hindi nila kayang kitain kung kaya nagtitiis na lamang silang magpapamilya kahit na pinagtatawanan na sila ng ibang tao bunsod ng kanilang kahirapan.


Dahil nakabenta naman si Tulfo at ang kaniyang asawa ng collection nilang sapatos ay pagkakalooban niya ng P40,000 si  Tatay Ismael  para makabili ng kalabaw.


Mag-aabot din si Tulfo ng dagdag na P100,000 nang sa gayon ay magkaroon ng dagdag na panggastos ang magpamilya kung sakaling gustuhing magpahinga ni Tatay Ismael.


Ipinag-utos din ng broadcast journalist sa kaniyang team na alamin kung ano pang mga kagamitan ang wala sa tahanan ng pamilya nang sa gayon ay mabilhan sila nito.

Panoorin ang kabuuang kwento rito:

Raffy Tulfo in Action

No comments:

Post a Comment