CHECK THIS OUT:

Search

OFW mula Saudi, naging emosyonal nang makita ang ipinundar na bahay


Naiyak na lamang sa tuwa ang isang OFW na galing Saudi nang makita ang katas ng kaniyang dugo at pawis na isinakripisyo sa pagtatrabaho abroad.


Naging viral si Ronalyn Quitola matapos maibahagi ang isang video sa social media kung saan makikita siyang naging emosyonal nang makita niya ang bahay nila na noon ay yari lamang sa kahoy at ngayon ay gawa na sa semento na mayroon pang ikalawang palapag.


“’Yung bahay kasi namin noon, gawa lang sa kahoy. Tapos ‘yung yero, patong-patong lang kasi nasira na ng bagyo," kwento ni Quitola sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" noong Hulyo 11.


Aniya, hindi naging madali ang pinagdaanan niya maipaayos lamang ang kanilang tahanan ngunit lahat ay naging posible dahil sa kaniyang tiyaga at matinding determinasyon para maihon ang pamilya sa kahirapan.


"Noong nagtrabaho ako sa Saudi, doon ko naranasan yung sobrang hirap bilang OFW. Naranasan kong maltratuhin ng amo ko."

 

"At habang naroon ako, nakita ko rin na malalaki ang bahay nila. Kaya sabi ko sa sarili ko na balang araw, magkakaroon din ako ng ganoon!"


Tuwing sasahod si Quitola ay bumibili siya ng mga materyales gaya ng bakal at hollow blocks. 


Bagama't natagalan bago maisakatuparan ang minimithi niyang bahay, wala namang katumbas ang saya na kaniyang naramdaman nang sa wakas ay makamit niya ang kaniyang pangarap.


Source: KMJS


No comments:

Post a Comment