CHECK THIS OUT:

Search

8-anyos na bata, tumatayong ilaw ng tahanan habang nakaratay ang ina

Marami ngayon ang humahanga sa isang walong taong gulang na batang babae dahil sa kabila ng murang edad ay inaako nito ang responsibilidad ng isang ina para sa kaniyang pamilya.


Ayon sa ulat ng "On Record," isang programa mula sa GMA News, tumatayo ang batang si Jenny Bagobo bilang nanay sa kaniyang apat na kapatid dahil nakaratay ang kaniyang ina dulot ng iniindang karamdaman.


Hindi rin naman gaanong maasahan sa pag-aalaga ng mga bata ang kaniyang ama dahil abala ito sa pangingisda nang sa gayon ay magkaroon sila ng pera na maipanggagastos nila sa kanilang tahanan.


"Wala po kasing mag-aalaga sa mga kapatid ko kaya ako na lang ang gumagawa ng pagpapakain, pagtitimpla ng gatas at pagpapaligo sa kanila," kwento ni Jenny.


Unang ng naging viral ang paslit noong Hunyo nang maitampok siya sa isang vlog ng vlogger na si Virgelyncares. Doon ay napag-alaman na nakukuha pang mangutang ng bata sa tindahan upang may maipakain lamang sa kaniyang mga kapatid at maging sa kaniyang ina.


Bagama't aminado ang bata na nahihirapan siya sa pagiging ina at estudyante sa ikalawang baitang, masaya raw siya na sa simpleng paraan ay nakatutulong siya sa kanilang pamilya.


Panoorin ang kabuuang kwento ni Jenny rito.


No comments:

Post a Comment