Panibagong post na naman sa social media ang nagbibigay alarma ngayon sa madla matapos ibahagi ng isang ginang na mayroon umanong laman na patay na daga ang loob ng galon ng in-order nilang mineral water kamakailan lamang.
Ayon sa Facebook user na si Pakig Shyam, ilang araw na nilang iniinom ang naturang mineral water at ilang beses na rin nilang napansin na may kakaiba itong lasa.
Inakala ni Shyam at ng kaniyang pamilya na normal lamang ang nalalasahan nila sa nabili nilang tubig kung kaya hinayaan na lamang nila ito at patuloy pa ring ininom.
Ngunit noong Sabado (Hulyo 17), mas lalo raw pumangit ang lasa ng kanilang inumin. Dito na nagpasya sina Shyam na buksan ang galon kung saan nakaimbak ang tubig. Pagbukas nila sa takip, hindi makapaniwala ang pamilya na mayroon palang laman na patay na daga ang tubig na ilang araw na nilang iniinom.
"Mag ingat po tau sa inoorder nating tubig...dios ko lord ilang araw n nmin nainum yan..kung kailan malapit na maubos saka nmin nkita may daga sa loob...sobrang sama na ng lasa ng tubig....ilang araw n nmin natikman na iba lasa akala namin normal lang," sabi ni Shyam sa kaniyang Facebook post noong Sabado.
"Ngaun kktapos lng nmin kumain iba na ang lasa ng tubig pagbukas ng takip bumungad sakin yan naisuka k lahat ng kinain ko😥😥😥😥😥😢😢😢😢😢😢kawawa nman ung mga anak k nakinum ng contaminated na tubig...nung una ipis ang nsa loob.nguan daga n tlga😥😥😢😢😡😡😡😡😡😡," dagdag nito.
Paliwanag ni Shyam, hindi niya ipi-nost ang kaniyang karanasan para magpasikat lamang kundi maging paalala sa lahat na dapat maging mapanuri at sigurista sa mga binibiling produkto, may selyo man o wala.
No comments:
Post a Comment