CHECK THIS OUT:

Search

87-anyos na lolo, lumuhod at taimtim na nagdasal sa kaniyang hospital bed

Marami ngayon ang naaantig sa isang 87-anyos na lolo na lumuhod habang taimtim na nagdarasal sa kabila ng kaniyang hirap na kalagayan.


Sa larawan ng matandang si Ka Dalde na ibinahagi online, makikitang nakaluhod ito sa kaniyang hospital bed habang nakapikit at nagdarasal.


Ayon sa Facebook user na si Nenita Dalde, ang larawan daw na iyon ay kuha noong gabi bago ilipat ang matanda sa intensive care unit (ICU).


Hirap na raw sa pagtayo si Ka Dalde ngunit pinilit pa rin nitong lumuhod upang kausapin ng taimtim ang Diyos.


"Palagi nyang tagubilin sa amin, 'gawin ninyo ang lahat ng bagay ng may karapatan at kaayusan'. Hirap nang tumayo pero nakaluhod pa din kung manalangin," sabi ni Nenita sa kaniyang FB post noong Hulyo 4.


Sa kasamaang palad, binawian na pala ng buhay ang matanda noon pang Hunyo 27. Gayunpaman, nananatiling buhay ang inspirasyon na ibinigay niya sa mga tao.


Sa katunayan, para sa ilan ang matanda ang paalala na hanggang sa katapusan ng buhay dapat ay hindi nakalilimot ang bawat isa sa Panginoon.




No comments:

Post a Comment