Labis ang paghihinagpis ng pamilya, kaibigan, at kasamahan ng isang 30-anyos na military nurse matapos niyang masawi sa Sulu plane crash na naganap noon lamang Linggo (Hulyo 4).
Si Philippine Air Force nurse 1st Lt. Sheena Alexandrea "Rea" Tato ay isa lamang sa 52 sundalo na pumanaw matapos bumagsak ang sinasakyang C-130 aircraft sa Patikul, Sulu.
Papunta sana ang grupo nina Tato sa Jolo upang magsilbi ng dalawang buwan sa isang military camp hospital roon.
Hindi naman dapat sana kasama si Tato sa mga pupunta sa Jolo kung hindi niya lamang sinalo ang trabaho ng kaniyang kasamahang nurse na kinailangan umuwi dahil sa pagkakasakit ng anak.
Kilala si Tato bilang isang mabait na kaibigan at anak. Sa katunayan, hindi matanggap ng kaniyang ama na si Ret. Col. Wilfredo Tato ang kaniyang biglaang pagkawala lalo pa at siya rin umano ang nag-udyok rito na sumama sa Jolo.
"Napagsabihan ko siya na yung kasama niya daw na magdu-duty, pupunta ng Jolo. Kaso lang, yung anak ng magdu-duty may sakit, so siya ngayon ang ipinalit," kwento ni Wilfredo.
"Ang ibig sabihin, sinalo niya...Parang sinisisi ko ang sarili ko. Parang ako ang nagtulak sa kanya," dagdag nito.
Gayunpaman, walang sinisisi ang mga kapatid ni Tato sa pangyayari. Taos puso pa ang pasasalamat ng mga sa mga nakiramay lalong-lao na sa mga Muslim na hindi nagdalawang-isip tumulong sa mga biktimang sundalo gaya ni Tato.
"Sa Nurse Corps, Airforce at sa lahat ng kasamahan at kaibigan ng kapatid ko, maraming salamat sa inyo kasi di n’yo siya iniwan at sa pag-alalay ninyo sa kapatid ko sa kanyang huling lipad. Tulungan n’yo po kami sa pagdarasal, para kay Rea," pahayag ni Sheen Alexandre Tato.
Source: Pep.ph
No comments:
Post a Comment