CHECK THIS OUT:

Search

Lolo, arestado matapos gahasain ang apong may problema sa pag-iisip

Kulong ngayon ang isang 76-anyos na matanda mula sa  Bohol matapos nitong pagsamantahalan ang kaniyang sariling apo na may problema sa pag-iisip.


Base sa mg ulat, kinilala ang suspek bilang si Vitaliano Vallejos na nakatira sa Barangay Valaga, Mabini.


Ang ina mismo ng biktima ang siyang nakasaksi sa ginawang pambababoy ng matanda sa kaniyang sariling kadugo, ayon kay Staff Sergeant Josephine Russel ng Mabini Police Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD).


"Naaktuhan nya talaga si Vitaliano na nakapatong sa biktima...tila nag-set up ng isang kama na may isang unan sa ibabaw ng mga dahon ng saging."


Agad na nakatakas ang suspek nang bulyawan ito ng ina. Gayunpaman, sa bisa ng "hot pursuit operation" ay nadakip din si Vallejos na nahaharap ngayon sa kasong rape.


Nakatakda namang sumailalim sa sikolohikal na pagsusuri ang biktima upang malaman ang trauma na sinapit nito mula sa krimen.

Source:


No comments:

Post a Comment