CHECK THIS OUT:

Search

Magkapatid, nagtitiis sa pamamalimos sa kabila ng ulan makabili lamang ng gamot

Magkapatid, nagtitiis sa pamamalimos  sa kabila ng ulan makabili lamang ng gamot


Humahabag ngayon sa puso ng marami ang kwento ng dalawang magkapatid na namamalimos sa hagdan ng isang overpass sa kabila ng malamig at maulan na panahon.


Sa Facebook post ni Pearl Jhene David kahapon (Hulyo 28), ikinwento niya na ang batang si Aldin at Santino ay mula pa sa San Matias, Pampanga. Namamalimos umano ang dalawa nang sa gayon ay magkaroon sila ng pambili ng pagkain at pambili ng gamot ni Santino na mayroong sakit sa bato.


"Pinapauwi ko na sila kasi mag gagabi na, ayaw pa nilang umuwi. Gusto daw nila makalimos sila kahit P200 pesos lang para may ipang bili sila ng bigas at uulamin pati na rin ng gamot ni baby Santino. Halos gusto ko na silang iuwi sa bahay pero paano kapag hinanap sila," sabi ni David.


Ayon sa nkatatandang kapatid na si Aldin, ang kaniyang ina na si Arlyn Ortega ay nangangalakal upang kumita rin kahit papaano ng pera habang ang kanilang ama naman ay kasalukuyang ding may iniindang karamdaman.


Sa paglalarawan ni David, nanginginig, nilalagnat, at nanghihina ang batang si Santino habang nakahiga sa mga paa ng kaniyang kuya Aldin. Gayunpaman, hindi ito rason para huminto sa pamamalimos.


Panawagan ngayon ni David, nawa ay tulungan ng publiko ang dalawang paslit nang sa gayon ay hindi na nila kailangan pang isakripisyo ang kanilang kaligtasan gayong may umiiral na pandemya at pabugso-bugso ang ulan.


Narito ang kabuuang post ni David:

No comments:

Post a Comment