CHECK THIS OUT:

Search

Ama na hindi nagbibigay sustento sa anak, maaaring makulong ng hanggang 6 na taon

 

Marami sa mga Pilipino, mula noon hanggang ngayon, ang dumadaing sa pasakit na dulot ng hindi pagbibigay sustento ng kanilang kasalukuyan o dating asawa o kinakasama.

Lingid sa kanilang kaalaman, itinuturing ng batas na kasong kriminal ang hindi pag-suporta ng isang magulang, partikular ang mga ama, sa kaniyang anak.


Bagama't wala pang batas na nagbibigay ng karampatang parusa sa sino mang hindi magsu-sustento sa kanilang mga anak, sa ilalim  ng Section 5 ng Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act malinaw na maaaring kasuhan ang isang biological father ng isang bata, kasal man ito sa kaniyang ina o hindi, kung sakaling pagkaitan niya ito ng sustento.


Ayon sa abogadong si Noel del Prado, ang hindi pagbibigay ng sustento ay matatawag na "economic abuse" o uri ng pang-aabuso sa aspetong pinansiyal.


Prision correcional o pagkakakulong na 6 buwan hanggang 6 na taon at multang P100,000 hanggang P300,000 ang maaaring ipataw sa mga ama na mapapatunayang hindi magbibigay ng sustento sa anak.

No comments:

Post a Comment