CHECK THIS OUT:

Search

Kambal na may sakit sa dugo, nangangailangan ng breast milk; ama nananawagan

Kumakatok ngayon sa butihing puso ng publiko ang isang ama upang manghingi ng gatas ng ina para sa kaniyang kambal na kasalukuyan ngayong may sakit sa dugo.


Pumanaw kasi ang asawa ni Tatay Jairus Guitierrez isang araw matapos niyang isilang ang kanilang mga supling kung kaya walang makakapagpasuso sa dalawang sanggol.


Sinabihan din si Tatay Jairus ng doktor na higit na kailangan ng kambal ang breast milk dahil sa kanilang karamdaman kung kaya nagtitiyaga itong magtrabaho at maghanap ng makukuhanan ng donasyon na breastmilk.


Iyon nga lang, nahihirapan siya na makahagilap ng gatas para sa kambal lalo pa at ang iba sa kaniyang mga nalalapitan ay may hinihinging kapalit.


"Sobrang hirap po kasi lumalapit pa po kami sa mga tao para humingi ng breastmilk. Minsan po may kapalit," saad ni Tatay Jairus.


"Lahat po kayang gawin. Lahat kayang isakripisyo. Para po sa kanila. Para sa ikagiginhawa ng buhay nilang dalawa," dagdag nito.


Agad namang nagpa-abot ng tulong ang programang "Unang Hirit" sa mag-aama. Nag-donate din ng breastmilk ang singer na si Aicelle Santos para sa mga sanggol.


Mula ng mai-post sa social media ang panawagan ng ama, marami rin sa mga netizens, lalong-lalo na iyong mga ina na kasalukuyang nagpapasuso, ang gustong magbigay ng gatas para sa kambal.

Source: GMA News Public Affairs

No comments:

Post a Comment