CHECK THIS OUT:

Search

Conjoined twins na itinampok sa KMJS, naipaghiwalay kaya?

Nito lamang nakaraang Linggo (Hulyo 25) ay itinampok sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang isang kambal mula sa Aklan na isinilang na magkadikit ang katawan.


Ayon sa inang si Donna Sabsalon, noong siya ay buntis pa lamang ay napag-alaman na niya na ang kaniyang mga anak ay kambal sa pamamagitan ng ultrasound.


Sa labis na pagkasabik, lagi pa ngang bumibili si Donna nag tigda-dalawang pares ng gamit na pambata para sa kaniyang baby Evon at Ivory.


Iyon nga lang, nabura ang kaniyang tuwa nang ipanganak niya ang mga ito kamakailan lamang.   Ang kambal kasi, magkadikit ang katawan mula dibdib hanggang pusod. Hirap din huminga ang  mga ito kung kaya kinailangan silang ilipat sa Intensive Care Unit (ICU).


Nito lamang Biyernes (Hulyo 23), ibinyahe ng tatlong oras ang mga musmos patungong Western Visayas Medical Center sa Iloilo upang alamin kung may tsansa pa bang mapaghiwalay ang mga ito.


Gayunpaman, pagsapit ng hatinggabi ng Sabado (Hulyo 24), si Baby Evon at Ivory at tuluyan ng binawian ng buhay, bagay na napakasakit para sa kanilang ina at ama na umaasang makasama sila sa kanilang tahanan.


Alamin ang buong kwento rito: Kapuso Mo, Jessica Soho




No comments:

Post a Comment