Isang tunay na ugaling Kristiyano ang ipinakita ng isang grupo ng mga sakristan sa isang matandang pulubi na ilang taon na ring nagpapalaboy-laboy sa kalsada.
Bagama't ang kwentong ito ay nag-viral noon pang taong 2020, hanggang ngayon ay marami pa rin ang humahanga at nakapupulot ng inspirasyon sa mabuting iinisyatibo ng mga nasabing sakristan.
Ayon sa Facebook page na MINDtheNOW, ang matandang pulubi ay kilala bilang si Totong. Nairaraos niya lamang ang kaniyang pang-araw-araw sa pamamagitan ng pamamalimos sa mga taong nakasasalubong niya sa kalsada.
Base sa mga litratong ibinahagi ni Teotristian Gomez Batutay, isa sa mga sakristan, makikita na hinding lamang nila pinaliguan ang matanda, ginupitan din nila ito, pinakain, at binihisan.
Kung makikita ngayon si Totong, hindi mo na aakalain na dati palang siyang pulubi sa kalsada.
Ang kwentong ito ay patunay na ang mga kabataan ay tunay na pag-asa. Bagama't marami ang naliligaw ng landas, mayroon pa ring nananatiling matapat na naglilingkod sa Diyos, at tumutulong sa kanilang kapwa.
No comments:
Post a Comment