CHECK THIS OUT:

Search

Dating OFW na naaksidente abroad, humihingi ng tulong pinansiyal pampaopera

Kumakatok ngayon sa mabubuting puso ng publiko ang dating OFW na si Annalyn Precioso Otacan, 38, upang manghingi ng tulong pinansiyal nang sa gayon ay matuloy na ang kinakailangan niyang operasyon.


Ayon kay Crystal Clair Chua, Facebook user na siyang nagbahagi ng kwento, nabali ang spinal cord ni Otacan matapos siyang mahulog sa hagdan habang nagtatrabaho siya noong sa ibang bansa.


Dahil dito, kinakailangan niyang sumailalim sa operasyon upang muli siyang lumakas at makapamuhay ng normal. Iyon nga lang, dala ng kakapusan sa pera ay hanggang ngayon ay hindi nakakapagpagamot si Otacan.


"Sya po si Annalyn Precioso Otacan 38 yrs old may apat na anak at kasalukuyang naninirahan sa purok-4 labnig Talacogon Agusan Del Sur. nahulog po siya sa hagdan nong nag tatrabaho po siya abroad at may nabali sa kanyang spinal cord kaya po siya naging ganyan. kailangan po siyang operahan pero wala po silang pera," kwento ni Chua sa kaniyang FB post noong Hulyo 8.


Base sa mga ibinahaging larawan ni Chua, makikitang halos buto't balat na lamang ang dati OFW. Hindi rin itong makatayo ng maayos tulad ng ibang mga tao.


Nais pa umanong mapahaba ni Otacan ang kaniyang buhay at matupad ang kaniyang mga pangarap para sa kaniyang mga anak kung kaya umaasa siya at maging si Chua, na makatatanggap sila ng tulong mula sa publiko.




No comments:

Post a Comment