CHECK THIS OUT:

Search

Bata sa Cebu, bakit kaya iginapos ng sariling ina sa loob ng 8 taon?

Namulat tayo sa mundo na kung saan ang mga magulang gagawin ang lahat matamo lamang ng kanilang mga anak ang mga karapatan nila bilang isang tao at isa bata. Kaya naman, lubos ang galak ng mga ito sa tuwing nakikita nila ang kanilang mga paslit na masaya at malayang nakagagalaw at nakapaglalaro. Ngunit, bakit kaya ang isang ina sa Cebu City ay piniling igapos ang kaniyang anak sa loob ng walong taon.


Sa episode ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" noong Linggo (Hulyo 18), itinampok ang kwento ng 11-anyos na batang si Precious, hindi niya tunay na pangalan, na iginapos sa kaniyang higaan ng sarili niyang ina.


Sa isang maliit na papag nakatali ang parehong kamay at paa ni Precious gamit ang mga piraso-pirasong tela. Dito siya kumakain, naliligo at nagbibihis.


Sa tagal ng pagkakagapos sa kaniya, nagmamarka na sa kamay at paa ni Precious ang higpit ng pagkakatali sa kaniya. Payat din ito at puno ng peklat sa kaniyang ulo at iba pang bahagi ng katawan.


Ayon sa ina  na si Mardie Dagwayan, masakit din para sa kaniya na igapos ang sariling anak ngunit mas makabubuti raw ito para sa kaligtasan ng bata.


Kwento niya, bayolente ang anak niyang si Precious kaya napagdesisyunan nilang itali ito. Nariyang inuumpog niya ang kaniyang ulo sa pader, sinasaksak ang sarili, at nanakit ng kapatid.


Dahil kapos sa pera ang kanilang pamilya, ni minsan ay hindi nila napatingnan sa doktor si Precious. Hindi rin ito nabibigyan ng maayos na pagkain kaya lumaki itong payat.


Sa kabutihang palad, sa tulong ng KMJS ay naabutaan ng tulong si Precious at ang kaniyang pamilya.


Naipa-rescue si Precious sa Safe Haven, isang treatment and recovery village sa Cebu, kung saan maaari siyang manatili upang magamot at matingnan ng mga eksperto ng walang kaukulang bayad.


Dahil nabanggit ni Mardie na hindi umiiyak si Precious nang isilang ito, sinususpetya ng doktor na  maaari hypoxic o nagkulang ng oxygen ang bata dahilan upang maapektuhan ang pag-develop ng kaniyang utak.


Sa pagkakadala ng paslit sa isang angkop na pasilidad, umaasa ngayon si Mardie at ang kaniyang pamilya na darating ang araw ay tuluyan ng gagaling si Precious at hindi niya na muli pang kakailanganing igapos ito.


Panoorin ang kabuuang istorya rito:



No comments:

Post a Comment