CHECK THIS OUT:

Search

Babae, nagpapanggap na ina ng batang may liver cirrhosis para makapang-scam



Napakarami ngayon ang umuusok sa galit sa isang babae na nagpo-post ng mga larawan ng isang batang may liver cirrhosis para makapanloko at makakuha ng pera mula sa publiko.


Ang babae ay nagtatago sa Facebook account na mayroong pangalang Analiza Endaya.


Nagpapanggap itong ina ng isang batang nangangailangan ng agarang liver transplant sa bansang India. Nagpo-post ito ng mga larawan ng bata at saka nanghihingi ng donasyon na ipinadederetso niya sa kaniyang Gcash at Paymaya account.


Ang mga impormasyon at larawan ng bata ay nakukuha ni Endaya sa mga Facebook post ng tunay na ina ng bata na si Genelyn Tuzon Arcilla.


Sinubukan  ni Arcilla na komprontahin si Endaya ngunit minura lamang siya nito at sinabing maging siya ay ginagamit lamang ang bata para magkapera.

Larawang kuha mula sa Facebook post ni Arcilla (tunay na ina ng bata)

Labis ngayong nasasaktan si Arcilla dahil nagagamit ang kaniyang inosenteng anak sa isang masamang gawain. 


Sa dami ng shares ng facebook post ni Endaya tungkol sa bata, marami na rin ang naloko at nagpadala ng pera sa kaniya dahil sa nakahahabag niyang mensahe at pakiusap bilang "ina" umano.


Marami pang Facebook users ang nagpapanggap ng ina ng bata at humihingi ng donasyon kung kaya dapat na maging mapanuri ang publiko.


Base sa mga post ni Arcilla, lumalabas na noon pang Abril sumailalim ng liver transplant ang kaniyang anak at ang tanging hinihingi niya na lamang ngayon bilang tulong ay ang pangsuporta sa panghabang-buhay na gamutan ng bata.

Screenshot ng isa sa mga Facebook post ni Arcilla (tunay na ina ng bata) noong April 16, 2021


Narito ang Facebook account ng tunay na ina ng bata:

Genelyn Tuzon Arcilla

No comments:

Post a Comment