CHECK THIS OUT:

Search

Bata sa Southern Leyte, nilupak na saging lang ang hiling sa kaniyang 11th birthday

Karamihan sa mga bata ay humihiling ng mga laruan at masasarap na pagkain gaya ng spaghetti, ice cream, at cake sa kanilang espesyal na kaarawan. 


Ngunit, kakaiba ang isang batang ito mula sa Southern Leyte na ang tanging kagustuhan lang para sa kaniyang 11th birthday ay linupak o linusak na saging. 


Ang linupak o linusak na saging ay gawa lamang sa pinaghalong durog na saging, asukal at ginayat na niyog.


Ayon sa ate ng batang si Lixter Orito na  si Lea nang kapanayamin siya ng ABS-CBN News, mayroon talaga silang pera na nakalaan para ipanghanda sa kaarawan ng kaniyang kapatid.


Laking gulat na lamang nila nang hilingin bigla ni Lixter na magluto na lamang ng nilupak na saging at pansit sa halip na maghanda ng spaghetti at kung ano-ano pa.


Dahil ito, tinupad ni Lea ang munting kahilingan ni Lixter na magkaroon ng nilupak na saging sa kaniyang kaarawan.


Upang gawing espesyal, inihugis niya ito ng pabilog upang magmukhang cake at saka bumili ng dalawang chocolate cream sa tindahan na tigpipiso ang halat bawat isa upang isulat ang pangalan ni Lixter sa "nilupak cake."


Nang ibahagi ni Lea ang larawan ni Lixter at ng nilupak cake, marami ang naantig at humanga sa simpleng kagustuhan ni Lixter.


 Dahil dito, may mga taong nagpadala sa kaniya ng pera at mga pagkain gaya ng chocolate cake at ice cream na lubos namang ikinatuwa ng bata at ng kaniyang pamilya.


No comments:

Post a Comment