CHECK THIS OUT:

Search

Babaeng binubugbog ng asawa noon, nanggulat sa kaniyang muling pagbangon

Takaw atensyon ngayon sa social media ang naging kabigha-bighaning transpormasyon ng isang babae matapos niyang iwanan ang kaniyang mapang-abusong asawa.


Kwento ni Michelle, madalas daw siyang saktan ng kaniyang mister noon ngunit pinili niyang magtiis sa piling nito dahil sa takot na lumaki ang kaniyang mga anak nang walang ama.


“Binubugbog po ako ng asawa ko! Sinusuntok niya ako sa mukha, sa sikmura at sinasakal.  Umagang-umaga, may mga pasa na ako! Pero tiniis ko lahat ng ‘yun. Iniisip ko kasi na kapag iniwanan ko siya, ‘yung mga anak ko, lalaki nang walang ama," sabi ni Michelle sa kaniyang panayam sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho."


Dagdag niya, nagkalakas lamang siya ng loob na umalis sa mapang-abuso niyang mister nang simulan na rin nitong saktan maging ang kanilang mga anak. Natauhan din siya nang husto nang nakuha niyang ipamigay ang kaniyang bunsong supling para lamang maipagamot at mailabas sa ospital.


"Hanggang inuto ko ‘yung asawa ko. Sabi ko mag-aabroad ako at kapag nandoon na ako, ibibigay ko lahat ng gusto niya. Kaya pumayag siya. Nakaalis ako.  ‘Yung mga anak namin, iniwan ko muna sa nanay ko.  Dito ko na sinimulang ayusin ang sarili ko at buhay namin," saad niya.


Ngayon, mula sa maitim na kutis at payat na panganagatawan, mala porselana na ang balat ni Michelle. Nagkalaman-laman din ito at umaliwalas ang kaniyang mukha, malayong-malayo sa kaniyang itsura noon. 


Marami umano ang nagsasabi na uminom ng pampaganda o 'di kaya naman ay nagparetoke si Michelle ngunit aniya, ang sikreto lamang niya ay ang pagpili at pagpapalaya sa kaniyang sarili mula sa kaniyang masalimuot na relasyon sa kaniyang asawa.


Panoorin ang buong kwento rito:



No comments:

Post a Comment