Dalawang pamilya ang lubos na naghinagpis sa pangyayari na dalawang bangkay ang napagpalit. Isang lolo at isang ginang ang napagpalit ng punerarya.
Namatay si lolo Benigno Pasion, 75 taong gulang dahil sa COVID-19, habang si ginang Imelda Rome naman ay pumanaw sa pulmonary embolism sa parehas na araw.
Pareho silang namatay sa Our Lady of Mt. Carmel Hospital sa San Fernando, Pampanga, batay sa ulat ng CLTV channel.
Dahil COVID ang ikinamatay ng lolo, hindi na binuksan ang cadaver bag na ang ginang pala ang laman at agad na dinala sa sementeryo dahil ito ang protocol para sa mga namatay dahil sa virus.
Laking gulat naman ng pamilya ng ginang ay isang lolo ang napunta sa kanila.
"Biglang tumawag 'yung ospital na mali po 'yung naibigay sa amin. 'Yung iniyakan po namin, hindi po pala 'yun 'yung lolo namin," ayon sa kaanak ng lolo.
"'Yung kaniyang asawa na mild stroke na. Nalaman pa na ganiyan ang sitwasyon, lalong lumala. 'Yung anak niya special child, ngayon hinahanap siya. Gustong makita, hindi niya makita," ayon sa kapayid ng ginang.
Base sa text message na pinadala ng pamunuan ng ospital sa pamilya ng mga namayapa, humihingi ng paumanhin ang ospital sa nangyaring pagkakamali.
No comments:
Post a Comment