CHECK THIS OUT:

Search

Canadian national na inabutan ng lockdown sa Boracay, humihingi ngayon ng tulong

Nangangailangan ngayon ng tulong ang isang Canadian national upang makabalik sa kaniyang bansa matapos maabutan ng lockdown sa isla ng Boracay.


Ayon sa Facebook user na si Renan Delfin Hilario,   magbabakasyon lamang sana ang foreigner na si Kevin Lench sa Boracay ngunit dahil naabutan siya ng lockdown ay hindi na siya nakauwi pa sa kaniyang bansa.


Gustuhin man ni Lench na bumalik sa kaniyang pinanggalingan, may mga estranghero umano na tumangay sa kaniyang cellphone at ATM card.


Ang masaklap pa, inatake si Lench ng kaniyang sakit sa atay dahilan upang siya ay mamayat at maratay sa isang ospital sa isla.


"Hello po sana po may nka kilala po sa kanya siya po si Kevin Lench Canadian po sya nag babakasyon po parati sya dto sa boracay sya po ay na abutan na nang lock down at hindi na sya nka uwi hangang ngayon," sabi ni Hilario.


"Kinuha raw ang kanyang mga Atm at cellphone sana po matulongan nyo po sya wala po sya pamilya dto nag ka sakit po sya sa liver at sa ngayon po ay nasa hospital po sya sana po matulongan po natin sya," dagdag niya.


Nawa ay maraming makapansin sa sitwasyon ni Lench at mayroon din sanang magmagandang loob na tumulong sa kaniya nang sa gayon ay makabalik siya sa kaniyang tahanan at makapagpagamot ng maayos.



No comments:

Post a Comment