Wala ng buhay nang mailuwal ang isang sanggol mula sa South Cotabato dahil umano sa kapabayaan ng doktor na dapat sana magpapaanak sa kaniyang ina.
Ayon sa ina ng sanggol na si Dara Tapel, normal naman dapat ang kaniyang panganganak. Iyon nga lang, dahil sa hirap at lumalalang kalagayan niya ay napagdesisyunan niya na lamang na iluwal ang kaniyang sanggol sa pamamagitan ng cesarean section na siya namang tinanggihan ng kaniyang doktor.
Dahil dito, nanatili pa nang mas matagal ang sanggol sa sinapupunan ng kaniyang ina. Nakuha pa nga raw umalis ng doktor sa kabila ng kondisyon ni Tapel dahil mayroon daw pasyente na mas malala ang kalagayan sa kaniya.
Nang dumating na ang oras na ipapanganak ang sanggol, masamang balita ang bumungad sa lahat dahil nangingitim at wala ng buhay ang musmos nang mailuwal.
Dahil sa tagal ng pananatili sa loob ng tiyan ng kaniyang ina, nakuha na palang makain ng sanggol ang sarili niyang dumi.
Mabuti na lamang at hindi na kumalat sa katawan ng ina ang dumi ng kaniyang anak dahil kung hindi maging siya ay malalagay sa kritikal na kondisyon.
Sa ngayon ay nailibing na ang mga labi ng sanggol ngunit patuloy pa rin ang paghingi ng hustisya ni Tapel para sa pagkamatay ng kaniyang anak.
No comments:
Post a Comment