CHECK THIS OUT:

Search

Jimmy Santos, ipinasilip sa publiko ang 'sideline' niya sa palengke

Bentang-benta sa masa ngayon ang latest vlog ng komedyanteng si Jimmy Santos kung saan ipinakita niya ang kaniya umanong "sideline" sa isang palengke sa Angeles City, Pampanga.


Sa naturang vlog na pinamagatang "Jimmy Santos Suma-sideline sa Palengke," kinamusta ni Santos ang mga tindero at tindera kaugnay ng kanilang paghahanap-buhay.


Nakipagkulitan at nakipagbiruan din ang komedyante sa mga tao sa palengke na kinaaliwan naman ng marami.


Mayroon pang parte sa vlog na kung saan tumulong si Santos sa paghihiwa ng karne na ibinebenta sa isang meat stand.


Bagama't biro lamang ang pag-sideline umano ng dati ring aktor, marami pa rin ang humanga sa kaniya dahil sa pagiging simple at pagiging kwela nang walang nilalait o inaapakang tao.


"Ito ang tunay na komedyante, nakakapagpatawa na hindi kailangan laitin ang ibang mga tao," komento ng isang netizen.


Bago pa man pumasok sa mundo ng showbiz ay unang naging basketball player si Santos. Taong 1970 nang magsimula siya mapanood sa ilang mga pelikula bilang aktor at komedyante. Nagtuloy-tuloy ang kaniyang karera hanggang sa kunin na rin siyang host sa  mga palabas gaya ng "Eat Bulaga."



No comments:

Post a Comment