Isang Facebook user ang humihingi ngayon ng tulong para sa kapwa niya Pilipino na hirap na hirap na ang sitwasyon sa kamay ng kaniyang mga amo sa Kuwait.
Sa isang Facebook post ay ibinahagi ng netizen na si Haa Maa ang kalunos-lunos na kalagayan ng OFW na si Bebet Analie Ogbinada.
Ayon umano kay Ogbinada, tapos na ang kontrata niya sa kaniyang mga amo ngunit hindi pa rin ito binibilhan ng plane ticket at ayaw ding pauwiin.
Tatlong buwan na ring walang sahod ang OFW. Madalas din siyang gutumin at patulugin sa labas ng bahay ng kaniyang mga amo.
Sa katunayan, nakita ni Maa si Ogbinada sa kalsada dahil pinalabas umano siya ng kaniyang amo dahil pinag-awayan nila ang tungkol sa kaniyang pag-uwi.
"Nakita nya po ako kagabi nag tapon ng basura tapos po tinawag nya ako at niyakap nya po ako namumutla na po syaa tapos tinanong ko kung but nasa labas sya. Sabi nya pinalabas sya ng amo nyaa kasi daw nag away sila kasi Gusto na nya umuwi kasi hirap na daw sya at tapos na rin nmn po contract nya sobraa panga po," sabi ni Maa sa kaniiyang post.
"Tapos po sinasaktan syaa hnd rin po ibibigay sahod nya 3month.
Sabi nya Minsan lng daw sya makakain ng maayus kumakakain daw sya ng umagahan nya alas 3pm tapos ang haponan nyaa 12Am ng Gabi po tapos mga 3am po ng Gabi pinapalabas po sya duon sya pinapatulog ng amo nyaa sa labas SA cr," dagdag niya.
Wala na ulit balita si Maa sa sitwasyon ni Ogbinada kung kaya patuloy ang paghingi nito ng tulong maging sa broadcast journalist na si Raffy Tulfo nang sa gayon ay makauwi na ang OFW sa kaniyang pamilya sa Pilipinas.
No comments:
Post a Comment