Makakauwi na sa wakas ang isang overseas Filipino worker sa United Arab Emirates na tumakas mula sa kaniyang amo sa tulong ng TV host na si Willie Revillame.
Sa programang "Wowowin" ay maswerteng tinawagan ni Kuya Wil ang OFW na si Jerry Jane Manlapat na nagmula pa sa General Trias, Cavite.
Sa pakikipag-usap ni Kuya Wil sa OFW, napag-alaman niyang ilegal pala ang prosesong pinagdaanan nito para lang makapunta sa ibang bansa para makapagtrabaho bilang kasambahay.
Ang problema, ayon kay Manlapat, wala pala siyang amo na mapapasukan kung kaya ibinenta na lamang siya sa ibang amo para makapagtrabaho at kumita.
Iyon nga lang, tumakas daw siya dahil hindi niya akalain na napakarami pala niyang magiging amo sa iisang tirahan lamang.
"Binebenta po ako sa ibang amo. Ang ginawa ko po nag-run awaypo ako kasi 'yung amo ko po parang isang barangay sa isang bahay," sabi ni Manlapat.
Handa naman si Kuya Wil na tulungan itoo sa kaniyang pag-uwi. Hinihintay na lamang nito na makuha ni Manlapat ang kaniyang passport sa kaniyang agency nang sa gayon ay mabilhan na siya ng plane ticket.
Source: GMA News
No comments:
Post a Comment