CHECK THIS OUT:

Search

Estudyante, tuloy pa rin sa online class kahit namatayan ng mahal sa buhay


Bumuhos ang pakikiramay sa isang estudyante na viral ngayon dahil sa kaniyang larawan kung saan makikita siyang nag-aaral sa tabi ng kabaong ng isa sa kaniyang pinakamamahal sa buhay.


Sa Facebook post na ibinahagi ni Denmark Ian Palapus, humingi siya ng paumanhin sa kaniyang lola dahil hanggang sa kaniyang mga huling araw ay hindi niya maituon ang kaniyang atensyon para rito.


Ani ni Palapus, kailangan lang talaga niyang habulin at tapusin ang mga nakabinbin niyang gawain sa kanilang paaralan.


"Pasensya na nay, kung pati sa mga huling araw mo wala yung oras at atensyon ko sayo. Kailangan ko lang talagang matapos at mahabol ang mga to. Pahinga ka lang dyan nay, nasa tabi mo lang ako," saad ni Palapus sa kaniyang post.


Marami sa mga netizen ang nagpa-abot ng pakikiramay at motibasyon sa binata lalo pa at napakahirap gumawa ng mga bagay-bagay gayong gusto mong magluksa para sa iyong mahal sa buhay.


Sa ngauon, umabot na sa mahigit 279,000 reactions, 6,400 comments, at 62,000 shares ang post ni Palapus.




No comments:

Post a Comment