CHECK THIS OUT:

Search

Mga power interruption asahan dahil sa manipis na suplay ng kuryente: NGCP

Nagbabala ang National Grid Corporation of the Philippines nito lamang Martes (Hunyo 1) kaugnay ng laksa-laksang power interruptions na maaaring maranasan sa Luzon  bunsod ng manipis na suplay ng kuryente at mainit na panahon.


Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, itataas ng NGCP ang grid status alerts mula 11 a.m. hanggang 11 p.m.


"Ang problema ngayon ay wala hong sapat na kuryente na nakakabit sa national grid para ho ito ihatid. Kaya wala ho tayong choice kundi magpatupad ng red alert at magkakaroon ng posibilidad ng power interruption sa kalat kalat na bahagi ng Luzon," saad ni Cynthia Alabanza, head for external affairs ng NGCP.


"Ang mga puwedeng ipagpalibang activities, ipagpaliban natin," dagdag nito.


Nakikipag-ugnayan na raw ngayon ang NGCP sa mga power distributor at cooperative para magsagawa ng mga adjustment at mapanatili ang sapat na suplay ng kuryente sa mga lugar lalong-lalo na sa mga siyudad kung saan naroroon ang mga ospital.


Noong Lunes (Mayo 31), sinabi rin ng Department of Energy na ang mababang gas pressure sa Malampaya ang isa rin sa mga sanhi ng manipis na suplay ng kuryente.


Source: ABS-CBN News


No comments:

Post a Comment